2 siya ang naglagay ng mga pundasyon ng dinobleng muog,ang mataas na muog sa paligid ng Templo;siya rin ang naglagay ng mga tanggulan sa bahay ng Diyos.
3 Noon ding panahon niya hinukay ang tipunan ng tubig,na halos sinlaki ng Dagat na Tanso.
4 Sinikap niyang iligtas ang bayan mula sa pagkawasak,kaya't pinatibay niya ang mga tanggulan ng lunsod laban sa pananalakay ng kaaway.
5 Kay ganda niyang pagmasdan kapag siya'y naliligid ng mga tao,matapos lumabas sa Dakong Kabanal-banalan.
6 Parang bituing nakadungaw sa siwang ng mga ulap,parang buwang kabilugan sa mga araw ng kapistahan.
7 Katulad ay araw na sumisinag sa Templo ng Kataas-taasang Diyosat bahagharing nakabalantok sa harap ng maningning na ulap.
8 Parang rosas na bagong bukadkad pagkapatak ng ulan,parang liryong tumubo sa tabi ng batisan.Parang talbos na bagong usbong sa simula ng tag-araw,Parang insensong sinusunog sa oras ng pag-aalay.