22 At ngayon, purihin natin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,kahanga-hanga ang kanyang mga gawa sa balat ng lupa.Siya ang nagtataguyod sa atin mula pa sa tiyan ng ating inaat kumakalinga sa atin nang may pagkahabag.
23 Pagkalooban nawa niya tayo ng kagalakan sa pusoat paghariin ang kapayapaan sa Israel sa habang panahon.
24 Manatili nawa sa atin ang kanyang habag,at lagi tayong iligtas sa panahon ng kagipitan.
25 May dalawang bansa na labis kong kinamumuhian,at ang pangatlo'y hindi man lamang dapat ituring na isang bansa—
26 Ang mga Edomita at ang mga Filisteo, at ang mga hangal na Samaritano.
27 Ako, si Jesus na anak ni Sirac Eleazarang sumulat ng aklat na ito, ng mga aral at mga salawikain,ayon sa aking matapat na pagkaunawa.
28 Mapalad ang tao na nag-uukol ng panahon sa pagbubulay-bulay nitoat tumutuklas ng karunungan sa ganitong pag-aaral.