24 Manatili nawa sa atin ang kanyang habag,at lagi tayong iligtas sa panahon ng kagipitan.
25 May dalawang bansa na labis kong kinamumuhian,at ang pangatlo'y hindi man lamang dapat ituring na isang bansa—
26 Ang mga Edomita at ang mga Filisteo, at ang mga hangal na Samaritano.
27 Ako, si Jesus na anak ni Sirac Eleazarang sumulat ng aklat na ito, ng mga aral at mga salawikain,ayon sa aking matapat na pagkaunawa.
28 Mapalad ang tao na nag-uukol ng panahon sa pagbubulay-bulay nitoat tumutuklas ng karunungan sa ganitong pag-aaral.
29 Kung susundin niya ang mga ito, mahaharap niya ang anumang suliranin,sapagkat ang liwanag ng Panginoon ang papatnubay sa kanya.