6 Parang bituing nakadungaw sa siwang ng mga ulap,parang buwang kabilugan sa mga araw ng kapistahan.
7 Katulad ay araw na sumisinag sa Templo ng Kataas-taasang Diyosat bahagharing nakabalantok sa harap ng maningning na ulap.
8 Parang rosas na bagong bukadkad pagkapatak ng ulan,parang liryong tumubo sa tabi ng batisan.Parang talbos na bagong usbong sa simula ng tag-araw,Parang insensong sinusunog sa oras ng pag-aalay.
9 Tulad niya'y isang saro na yari sa gintong lantayat napapalamutian ng mamahaling batong hiyas.
10 Parang puno ng olibo na hitik sa bunga,parang sipres na mataas na ang dulo'y abot sa ulap.
11 Kapag suot niya ang magara niyang damit,at nabibihisan ng maringal niyang kasuotan,pag-akyat niya sa mahal na dambana,nakadaragdag siya sa karilagan ng banal na lugar.
12 Kapag iniaabot sa kanya ang pinagbaha-bahaging handog,samantalang nakatayo siya sa tabi ng dambana,at naliligid ng kanyang mga kapwa pari,ang kawangis niya'y mayabong na sedar sa Lebanonna naliligid ng mga punong palma.