1 Ang kasiraang-puri ay nagdudulot ng kahihiyan at pagkawala ng tiwala,na siyang marapat sa isang makasalanang sinungaling.
2 Huwag kang patatangay sa matinding alab ng damdamin,baka suwagin ka niya na parang torong baliw,
3 o baka ubusin niya ang mga dahon mo at sirain ang iyong bunga,at maiwan kang parang tuyot na punongkahoy.
4 Ipapahamak ka ng iyong masasamang pagnanasa,hanggang sa pagtawanan ka ng iyong mga kaaway.
5 Ang magiliw na tinig ay nakakaakit ng maraming kaibigan,at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot.
6 Makipagbatian ka sa maraming tao,ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.