14 Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kanlungan,kapag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng kayamanan.
15 Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan;hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi.
16 Ang matapat na kaibiga'y parang gamot na nagbibigay-buhay,at siya'y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon.
17 Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan,at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.
18 Anak, mula pa sa iyong kabataan pahalagahan mo na ang Karunungan,at kapag tumanda ka'y patuloy mo siyang makakamtan.
19 Linangin mo ang Karunungan gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin,at mag-aani ka nang masagana;magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya,at lalasap ka ng masarap niyang bunga.
20 Mahirap siyang kamtan ng ayaw mag-aral,hindi magtitiyaga sa kanya ang may mahinang kalooban.