16 Ang matapat na kaibiga'y parang gamot na nagbibigay-buhay,at siya'y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon.
17 Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan,at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.
18 Anak, mula pa sa iyong kabataan pahalagahan mo na ang Karunungan,at kapag tumanda ka'y patuloy mo siyang makakamtan.
19 Linangin mo ang Karunungan gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin,at mag-aani ka nang masagana;magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya,at lalasap ka ng masarap niyang bunga.
20 Mahirap siyang kamtan ng ayaw mag-aral,hindi magtitiyaga sa kanya ang may mahinang kalooban.
21 Para sa mangmang, ang Karunungan ay batong mabigatna di magtatagal at kanyang ibabagsak.
22 Ang Karunungan ay talagang mahirap kamtan,iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.