19 Linangin mo ang Karunungan gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin,at mag-aani ka nang masagana;magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya,at lalasap ka ng masarap niyang bunga.
20 Mahirap siyang kamtan ng ayaw mag-aral,hindi magtitiyaga sa kanya ang may mahinang kalooban.
21 Para sa mangmang, ang Karunungan ay batong mabigatna di magtatagal at kanyang ibabagsak.
22 Ang Karunungan ay talagang mahirap kamtan,iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.
23 Makinig ka, anak ko't narito ang aking tagubilin,huwag mong tanggihan itong aking payo.
24 Bayaan mong gapusin ng Karunungan ang iyong mga paa,at isuot sa iyong leeg ang pamatok niya.
25 Yumuko ka at nang makasakay siya sa iyong balikat,at huwag kang maghimagsik sa kanyang kapangyarihan.