26 Buong puso mo siyang suyuin,at sundin nang buo mong lakas ang kanyang mga tuntunin.
27 Hanapin mo siya at siya'y iyong matatagpuan,at minsang mahawakan ay huwag mo nang pakakawalan.
28 Sa wakas, malalasap mo ang ginhawang dulot niya,at siya ay magiging kaligayahan mo.
29 Ang mga tanikala niya'y magiging sandata mo,at ang kanyang pamatok ay maharlikang kasuotan.
30 Ang pamatok niya'y magiging isang gintong hiyas,at ang tali niya'y pamigkis na bughaw.
31 Isusuot mo siyang parang damit na marilag,at ipuputong siya sa iyo bilang korona ng kagalakan.
32 Kung nais mo'y magiging marunong ka;magsikap ka lamang, ikaw ay magiging matalino.