29 Ang mga tanikala niya'y magiging sandata mo,at ang kanyang pamatok ay maharlikang kasuotan.
30 Ang pamatok niya'y magiging isang gintong hiyas,at ang tali niya'y pamigkis na bughaw.
31 Isusuot mo siyang parang damit na marilag,at ipuputong siya sa iyo bilang korona ng kagalakan.
32 Kung nais mo'y magiging marunong ka;magsikap ka lamang, ikaw ay magiging matalino.
33 Kung mawilihin kang makinig, ikaw ay matututo;at kung pahahalagahan mo ang iyong narinig, ikaw ay dudunong.
34 Kapag dumalo ka sa kapulungan ng matatanda,piliin mo kung sino sa kanila ang marunong at sa kanya ka pumanig.
35 Maging masigasig ka sa pakikinig ng aral ng mga makadiyos,at huwag mong kaliligtaan ang mga makahulugang talinhaga.