4 Ipapahamak ka ng iyong masasamang pagnanasa,hanggang sa pagtawanan ka ng iyong mga kaaway.
5 Ang magiliw na tinig ay nakakaakit ng maraming kaibigan,at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot.
6 Makipagbatian ka sa maraming tao,ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.
7 Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya,at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.
8 Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantalana di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.
9 May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo,at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo, palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya.
10 Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain,ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.