8 Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantalana di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.
9 May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo,at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo, palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya.
10 Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain,ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.
11 Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino,uutusan niya pati ang mga katulong mo;
12 ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya,pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.
13 Lumayo ka sa kaaway,at mag-ingat ka sa kaibigan.
14 Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kanlungan,kapag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng kayamanan.