1 Huwag kang magseselos sa asawa mong pinakamamahal;lalo mo lamang siyang tuturuan kung paano ka niya pasasakitan.
2 Huwag kang pailalim sa kapangyarihan ng sinumang babaehanggang sa ikaw ay lubusang alipinin niya.
3 Huwag kang makikipagtagpo sa asawa ng iba,baka ka masilo sa mga bitag niya.
4 Huwag kang magbabad sa piling ng mga babaing mang-aaliwat baka mahulog ka sa kanilang mga patibong.
5 Huwag kang tingin nang tingin sa isang dalaga,baka ka magkamali at mapagmulta nang dahil sa kanya.
6 Huwag kang magpakahibang sa mga babaing bayaran,kung hindi mo ibig maubos ang iyong kabuhayan.