10 Huwag mong iiwan ang matagal nang kaibigan;karaniwan, ang bago ay di maipapantay sa kanya.Ang pakikipagkaibigan ay parang alak;habang tumatagal lalong sumasarap.
11 Huwag kang maiinggit sa tagumpay ng makasalanan,sapagkat hindi mo alam ang tunay niyang kahihinatnan.
12 Huwag kang matuwa sa kinawiwilihan ng masasamang tao,alalahanin mo na di sila makakaligtas sa parusa habang buhay.
13 Lumayo ka sa taong maaaring pumatay sa iyo,at di ka mangangamba na mapapatay ka niya.Ngunit kung kailangang lumapit ka sa kanya,pag-ingatan mo ang bawat hakbang mo't baka patayin ka nga niya.Isipin mong ikaw ay parang tumutuntong sa patibong,o naglalakad sa ibabaw ng muog ng lunsod sa panahon ng labanan.
14 Hangga't maaari, sikapin mong makilala ang iyong mga kapwa,at sa marunong ka lamang sumangguni.
15 Mawili kang makitungo sa mga taong matalino,at ang pag-usapan ninyo'y ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos.
16 Ang mga matuwid ang siya mong maging kasalo sa pagkain,at ang iyong paggalang sa Diyos ang siya mong ipagmalaki.