13 Lumayo ka sa taong maaaring pumatay sa iyo,at di ka mangangamba na mapapatay ka niya.Ngunit kung kailangang lumapit ka sa kanya,pag-ingatan mo ang bawat hakbang mo't baka patayin ka nga niya.Isipin mong ikaw ay parang tumutuntong sa patibong,o naglalakad sa ibabaw ng muog ng lunsod sa panahon ng labanan.
14 Hangga't maaari, sikapin mong makilala ang iyong mga kapwa,at sa marunong ka lamang sumangguni.
15 Mawili kang makitungo sa mga taong matalino,at ang pag-usapan ninyo'y ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos.
16 Ang mga matuwid ang siya mong maging kasalo sa pagkain,at ang iyong paggalang sa Diyos ang siya mong ipagmalaki.
17 Ang galing ng panday ay nakikita sa kanyang ginawa;ang kakayahan ng isang namumuno ay nakikilala sa kanyang matalinong pangungusap.
18 Ang tsismoso ay kinatatakutan sa buong lunsod;ang taong walang pigil ang dila ay kinapopootan ng lahat.