2 Huwag kang pailalim sa kapangyarihan ng sinumang babaehanggang sa ikaw ay lubusang alipinin niya.
3 Huwag kang makikipagtagpo sa asawa ng iba,baka ka masilo sa mga bitag niya.
4 Huwag kang magbabad sa piling ng mga babaing mang-aaliwat baka mahulog ka sa kanilang mga patibong.
5 Huwag kang tingin nang tingin sa isang dalaga,baka ka magkamali at mapagmulta nang dahil sa kanya.
6 Huwag kang magpakahibang sa mga babaing bayaran,kung hindi mo ibig maubos ang iyong kabuhayan.
7 Huwag kang magpalinga-linga sa mga lansangan ng lunsod,o magpagala-gala sa mga sulok na walang tao.
8 Huwag kang titingin sa babaing kaakit-akit,at huwag mong titigan ang ganda ng di mo asawa.Marami na ang napahamak dahil sa kagandahan ng babae,siya ang nagiging dahilan ng matinding pagnanasa.