6 Huwag kang magpakahibang sa mga babaing bayaran,kung hindi mo ibig maubos ang iyong kabuhayan.
7 Huwag kang magpalinga-linga sa mga lansangan ng lunsod,o magpagala-gala sa mga sulok na walang tao.
8 Huwag kang titingin sa babaing kaakit-akit,at huwag mong titigan ang ganda ng di mo asawa.Marami na ang napahamak dahil sa kagandahan ng babae,siya ang nagiging dahilan ng matinding pagnanasa.
9 Huwag kang kakaing kasalo ng asawa ng iba,at huwag ka ring makikipag-inuman sa kanya.Baka ka mabighani ng kanyang alindog,at dahil sa pagnanasa ika'y mapahamak.
10 Huwag mong iiwan ang matagal nang kaibigan;karaniwan, ang bago ay di maipapantay sa kanya.Ang pakikipagkaibigan ay parang alak;habang tumatagal lalong sumasarap.
11 Huwag kang maiinggit sa tagumpay ng makasalanan,sapagkat hindi mo alam ang tunay niyang kahihinatnan.
12 Huwag kang matuwa sa kinawiwilihan ng masasamang tao,alalahanin mo na di sila makakaligtas sa parusa habang buhay.