16 Kainin mo ang anumang nakahain sa iyo na para kang isang maginoo,at huwag kang magpakita ng magaspang na asal kung hindi mo nais na ikaw ay kamuhian.
17 Hinihiling ng kagandahang-asal na magpauna kang umayaw.Huwag kang magpakita ng labis na katakawan nang hindi ka lumabas na kahiya-hiya.
18 Kung marami kang kasalo sa piging,huwag kang magpauna sa pagkuha ng pagkain.
19 Ang kaunti ay tama na sa may magandang-asalat kapag siya'y nahiga, maginhawa ang kanyang paghinga.
20 Ang kumakain nang katamtaman lamang ay mahimbing matulog,maagang magising, magaan ang katawan at malinaw ang isip;ngunit ang kumakain nang labis ay hindi agad makatulog,balisa ang katawan at hirap ang loob.
21 Sakaling maparami ang kinain mo sa pigingtumayo ka, at magpahinga at magiginhawahan ka.
22 Makinig ka anak, at huwag mong hahamakin itong sasabihin ko,darating ang araw na makikita mo rin ang halaga nitong aking payo.Anuman ang gagawin mo'y huwag kang magpakalabis,at maaasahan mong hindi ka magkakasakit.