21 Sakaling maparami ang kinain mo sa pigingtumayo ka, at magpahinga at magiginhawahan ka.
22 Makinig ka anak, at huwag mong hahamakin itong sasabihin ko,darating ang araw na makikita mo rin ang halaga nitong aking payo.Anuman ang gagawin mo'y huwag kang magpakalabis,at maaasahan mong hindi ka magkakasakit.
23 Ang masarap maghanda ay pupurihin ng lahat,at ang karangalang iyon ay mananatili habang panahon.
24 Ang napakatipid maghanda ay mababalitang kuripotat ang paniniwalang iyan ay mahirap pabulaanan.
25 Huwag mong ipagmayabang ang lakas mo sa inuman,marami na ang napahamak sa pag-inom ng alak.
26 Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.
27 Ang alak ay nagpapasigla sa buhaykapag ito'y ininom nang katamtaman.Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.