2 Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
3 Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
4 Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama,ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.
5 Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaansiya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.
6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay,ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.