Mga Awit 118 RTPV05

Awit ng Pagtatagumpay

1 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan!Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

2 Ang taga-Israel,bayaang sabihi't kanilang ihayag,“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

3 Kayong mga paring Diyos na si Yahweh, bayaang magsaysay:“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

4 Lahat ng may takotkay Yahweh, dapat magpahayag,“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

5 Nang ako'y magipit,ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag;sinagot niya ako't kanyang iniligtas.

6 Kung itong si Yahwehang aking kasama at laging kapiling,walang pagkatakot sa aking darating.

7 Si Yahweh ang siyangsa aki'y tumutulong laban sa kaaway,malulupig sila't aking mamamasdan.

8 Higit na mabutina doon kay Yahweh magtiwala ako,kaysa panaligan yaong mga tao.

9 Higit ngang mabutingang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay,kaysa pamunuan ang ating asahan.

10 Sa aking paligidlaging gumagala ang mga kaaway,winasak ko silaat lakas ni Yahweh ang naging patnubay.

11 Kahit saang dakoako naroroon ay nakapaligid,winasak ko silasapagkat si Yahweh ay nasa aking panig.

12 Ang katulad nilaay mga bubuyog na sumasalakay,dagliang nasunog, sa apoy nadarang;winasak ko silasapagkat si Yahweh ang aking sanggalang.

13 Sinalakay ako'thalos magtagumpay ang mga kaaway,subalit si Yahweh, ako'y tinutulungan.

14 Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan;siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

15 Dinggin ang masayangsigawan sa tolda ng mga hinirang:“Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

16 Ang lakas ni Yahwehang siyang nagdulot ng ating tagumpay,sa pakikibaka sa ating kaaway.”

17 Aking sinasabinghindi mamamatay, ako'y mabubuhayang gawa ni Yahweh,taos sa aking puso na isasalaysay.

18 Pinagdusa akoat pinarusahan nang labis at labis,ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid.

19 Ang mga pintuanng banal na templo'y inyo ngayong buksan,ako ay papasok,at itong si Yahweh ay papupurihan.

20 Pasukan ni Yahwehang pintuang ito;tanging makakapasokay matuwid na tao!

21 Aking pinupuriikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan,dininig mo ako't pinapagtagumpay.

22 Ang batong itinakwilng mga tagapagtayo ng bahay,ang siyang naging batong-panulukan.

23 Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan.

24 O kahanga-hangaang araw na itong si Yahweh ang nagbigay,tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

25 Kami ay iligtas,tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas!At pagtagumpayin sa layuni't hangad.

26 Pinagpala ang dumarating sa pangalan ni Yahweh;magmula sa templo,mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!

27 Si Yahweh ang Diyos,pagkabuti niya sa mga hinirang.Tayo ay magdalang sanga ng kahoy, simulang magdiwang,at tayo'y lumapit sa dambanang banal.

28 Ikaw ay aking Diyos,kaya naman ako'y nagpapasalamat;ang pagkadakila mo ay ihahayag.

29 O pasalamatanang Diyos na si Yahweh, pagkat siya'y mabuti;pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.(Alef)