1 Sagutin mo po ang aking pagtawag,O Diyos, na aking kalasag!Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan,kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.
2 Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin?Ang walang kabuluhan at kasinungalingan,hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)
3 Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid,kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig.
4 Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit;sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)
5 Nararapat na handog, inyong ialay,pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.
6 Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?”Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin!
7 Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan,higit pa sa pagkain at alak na inumin.
8 Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.