1 Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak.
2 Umawit sa saliw ng mga tamburin,kasabay ng tugtog ng lira at alpa.
3 Hipan ang trumpeta tuwing nagdiriwang,kung buwan ay bago't nasa kabilugan.
4 Pagkat sa Israel, ito'y isang utos,batas na ginawa ng Diyos ni Jacob.
5 Sa mga hinirang, ang utos di'y itonang sila'y ilabas sa bansang Egipto.Ganito ang wika na aking narinig:
6 “Mabigat mong dala'y aking inaalis,ikaw ay iibsan sa pasan mong labis.
7 Iniligtas kita sa gitna ng hirap, sinaklolohan ka nang ika'y tumawag;tinugon din kita sa gitna ng kidlat,at sinubok kita sa Batis Meriba. (Selah)
8 Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin,sana'y makinig ka, O bansang Israel.
9 Ang diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.
10 Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo,ako ang tumubos sa iyo sa Egipto;pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.
11 “Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin,di ako sinunod ng bayang Israel,
12 sa tigas ng puso, aking hinayaangang sarili nilang gusto'y siyang sundan.
13 Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin,sundin ang utos ko ng bayang Israel;
14 ang kaaway nila'y aking lulupigin,lahat ng kaaway agad lilipulin.
15 Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot,ang parusa nila'y walang pagkatapos.
16 Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko;at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.”