Mga Awit 92 RTPV05

Awit ng Papuri sa Diyos

Isang Awit para sa Araw ng Pamamahinga.

1 Ang magpasalamatkay Yahweh ay mabuting bagay,umawit na lagipurihin ang ngalang Kataas-taasan.

2 Pag-ibig niyang wagasay dapat ihayag, kung bukang-liwayway,pagsapit ng gabiang katapatan niya'y ihayag din naman.

3 Ito'y ipahayagsa saliw ng alpa't tugtuging salteryo,sa magandang himigng tugtuging lira'y ipahayag ito.

4 Ako'y nagagalaksa iyong ginawa na kahanga-hanga,sa lahat ng itoako'y umaawit dahilan sa tuwa.

5 O pagkadakila!Kay dakila, Yahweh, ng iyong ginawa,ang iyong isipanay sadyang mahirap naming maunawa.

6 Sa kapos na isip,ang bagay na ito ay di nalalaman,hindi maliliripni mauunawa ng sinumang mangmang:

7 ang mga masamakahit na dumami't sila ma'y umunlad,kanilang hantunganay tiyak at lubos na kapahamakan;

8 sapagkat ikaw lang,Yahweh, ang dakila't walang makatulad.

9 Nababatid naminglilipuling lahat ang iyong kaaway,at lahat ng taongmasama ang gawa ay mapipilan.

10 Ako'y ginawa mongsinlakas ng torong mailap sa gubat,ako'y pinagpala'tpawang kagalakan aking dinaranas.

11 Aking nasaksihanyaong pagkalupig ng mga kaaway,pati pananaghoyng mga masama'y aking napakinggan.

12 Tulad ng palmera,ang taong matuwid tatatag ang buhay,sedar ang kagaya,kahoy sa Lebanon, lalagong malabay.

13 Mga punong natanimsa tahanan ni Yahweh,sa Templo ng ating Diyosbunga nila'y darami.

14 Tuloy ang pagbungakahit na ang punong ito ay tumanda,luntia't matatag,at ang dahon nito ay laging sariwa.

15 Ito'y patotoona si Yahweh ay tunay na matuwid,siya kong sanggalang,matatag na batong walang karumihan.