1 O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo?Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado?
2 Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay,at laging gumagawa ayon sa katuwiran,mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan,
3 at ang kapwa'y hindi niya sisiraan.Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan,tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan.
4 Ang itinakwil ng Diyos ay di niya pinapakisamahan,mga may takot kay Yahweh, kanyang pinaparangalan.Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat,anuman ang mangyari, salita'y tinutupad.
5 Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pinautang,di nasusuhulan para ipahamak ang walang kasalanan.Ang ganitong tao'y di matitinag kailanman.