Mga Awit 59 RTPV05

Panalangin Upang Ingatan ng Diyos

Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Huwag Mong Sirain”. Isang Miktam, nang pamanmanan ni Saul ang kanyang bahay upang siya'y mapatay.

1 Sa aking kaaway,iligtas mo ako, O aking Diyos;ingatan mo ako kapag sila'y lumusob.

2 Sa masamang tao,ako ay iligtas, at sa pumapatayagawin mo ako at iyong ingatan.

3 Sila'y nag-aabang,pagmasdan mo yaong taong mababagsik;nagtipo't ang layon ako ay iligpit.Ang dahilan nito,di dahil sa ako'y may pagkakamali,

4 o may pagkukulang na ako ang sanhi;O Diyos, masdan sila at nagdudumali.

5 Tulungan mo ako,Yahweh, Makapangyarihang Diyos.Ikaw ang magmasid, O Diyos ng Israel!Ikaw ay gumising,at ang mga bansa'y iyong parusahan;yaong mga taksil, huwag mong kahabagan. (Selah)

6 Pagdating ng gabi,sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod;asong kumakahol ang nakakatuladhabang naglilibot.

7 Dinggin ang salita'tparang mga tabak ang dila ng bibig!Ngunit nagtatanong:“Sa amin ay sino ang makikinig?”

8 Ngunit ikaw, Yahweh,tinatawanan mo't iyong kinukutya;gayon ang gawa mo sa may salang bansa.

9 Ikaw, Panginoon,ang aking Diyos, aking kalakasan;ikaw ang muog ko at aking kanlungan.

10 Ako'y minamahal,mahal ako ng Diyos, ako'y lalapitanupang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.

11 Huwag mong papatayin,nang di malimutan ng iyong mga lingkod.Sa taglay mong lakas pangalatin sila at iyong isabog;ikaw ang sanggalang, Yahweh, aming Diyos.

12 Sa kanilang labi'ypawang kasamaan ang namumutawi;sa pagmamataas, ang aking dalangin, sila ay mahuli,pagkat sinungaling at sa pangungutya, sila'y nawiwili.

13 Wasakin mong lubos,dahil sa iyong galit, ganap mong wasakin;dito malalamanng lahat, na ika'y hari ng Israel,at sa sansinukob ikaw ang hari din. (Selah)

14 Pagdating ng gabi,sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod;asong kumakahol ang nakakatuladhabang naglilibot.

15 Animo'y lagalag,lakad lang nang lakad, pagkain ang hanap;hindi masiyahan, kapag ang nakuha nila'y hindi sapat.

16 Ngunit aawit ako,pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas,sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas;pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito,at aking kanlungan kapag lugmok ako.

17 Pupurihin kita,tagapagtanggol ko at aking kanlungan,Diyos kong mapagmahal.