1 O taong malakas, bakit ka nagyabangsa gawa mong mali?Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi.
2 Balak mo'y wasakinang iba, ng iyong matalim na dilang pagsisinungaling.
3 Higit na matindiang iyong pag-ibig sa gawang masama,higit na nais mo'ykasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah)
4 Taong sinungalingang iba'y gusto mong saktan sa salita.
5 Kaya't wawasaki'taal'sin ka ng Diyos sa loob ng tolda,sa mundo ng buháy aalisin ka niya. (Selah)
6 Ito'y makikitang mga matuwid, matatakot sila,at ang sasabihing pawang nagtatawa:
7 “Masdan mo ang taongsa Diyos di sumampalataya,sa taglay niyang yaman nananganat nagpakalakas sa kanyang kasamaan.”
8 Kahoy na olibosa tabi ng templo, ang aking katulad;nagtiwala akosa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.
9 Di ako titigilng pasasalamat sa iyong ginawa,ang kabutihan mo'yipahahayag ko, kasama ng madla.