1 Hatulan mong ako'y walang kasalanan, Panginoon,at laban sa masasama, ako'y iyong ipagtanggol;sa masama't sinungaling, ilayo mo ako ngayon!
2 Diyos na aking sanggalang, bakit mo ako iniwan?Bakit ako nagdurusa sa pahirap ng kaaway?
3 Ang totoo't ang liwanag, buhat sa iyo ay pakamtan,upang sa Zion ay mabalik, sa bundok mong dakong banalsa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.
4 Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot;sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos,buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!
5 Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis?Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig.Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas,itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!