1 Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.
2 Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod;bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
3 Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,sa loob ng muog ng banal na bayan.
4 Itong mga hari ay nagtipun-tipon,upang sumalakay sa Bundok ng Zion.
5 Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan,pawang nagsitakas at nahintakutan.
6 Ang nakakatulad ng pangamba nilaay pagluluwal ng butihing ina.
7 Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak.Ang naglalakihang barkong naglalayag.
8 Sa banal na lunsod ay aming namasidang kanyang ginawa na aming narinig;ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan,siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah)
9 Sa loob ng iyong templo, aming Diyos,nagunita namin pag-ibig mong lubos.
10 Ika'y pinupuri ng lahat saanman,sa buong daigdig ang dakila'y ikaw,at kung mamahala ay makatarungan.
11 Kayong taga-Zion, dapat na magalak!At ang buong Juda'y magdiwang na lahat,dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak.
12 Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin;
13 ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin;upang sa susunod na lahi'y isaysay,
14 na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman,sa buong panahon siya ang patnubay.