1 Purihin si Yahweh!Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,kayo sa itaas siya'y papurihan.
2 Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang,kasama ang hukbo roong karamihan!
3 Ang araw at buwan, siya ay purihin,purihin din siya ng mga bituin,
4 mataas na langit, siya ay purihin,tubig sa itaas, gayon din ang gawin!
5 Siya ang may utos na kayo'y likhain,kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.
6 Kanyang itinatag, kanilang kinalagyan,hindi magbabago magpakailanpaman.
7 Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan,maging dambuhala nitong karagatan.
8 Ulan na may yelo, kidlat pati ulap,malakas na hangin, sumunod na lahat!
9 Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol.Mga kabundukan, mataas na burol,malawak na gubat, mabubungang kahoy;
10 hayop na maamo't mailap na naroon,maging hayop na gumagapang at mga ibon.
11 Pupurihin siya ng lahat ng tao,hari at prinsipe, lahat ng pangulo;
12 babae't lalaki, mga kabataan,matatandang tao't kaliit-liitan.
13 Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat,ang kanyang pangala'y pinakamataas;sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.
14 Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa,kaya pinupuri ng piniling madla,ang bayang Israel, mahal niyang lubha!Purihin si Yahweh!