1 Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas,tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!
2 Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay,bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan;iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan,bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.
3 Sila namang ang layunin ay magtawa at mangutya,sa kanilang pagkatalo, bayaan ding mapahiya.
4 Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa,gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa,at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”
5 Lubos akong naghihirap, tunay na nanghihina,lumapit ka sana agad, O Diyos, sana'y lumapit ka;O aking tagapagligtas, katulong ko sa tuwina,huwag mo akong paghintayin, Yahweh, sana'y mahabag ka!