1 Purihin si Yahweh!Buong puso siyang pasasalamatan,aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.
2 Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila,mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;
3 lahat niyang gawa'y dakila at wagas,katuwiran niya'y hindi magwawakas.
4 Hindi maaalis sa ating gunita,si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha.
5 Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana;pangako ni Yahweh ay di nasisira.
6 Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay,nang ibigay niya lupa ng dayuhan.
7 Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,at maaasahan lahat niyang batas.
8 Ito ay lalagi at di magwawakas,pagkat ang saliga'y totoo't matapat.
9 Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang,may ipinangakong walang hanggang tipan;Banal at dakila ang kanyang pangalan!
10 Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan.Taong masunurin, pupurihing lubos.Purihin ang Diyos magpakailanman!