1 Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas,ipagsanggalang mo ng iyong lakas.
2 Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin,iyo ngang pakinggan, aking mga daing.
3 Ang nagmamataas ay laban sa akin,hangad ng malupit ang ako'y patayin,kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)
4 Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.
5 Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.
6 Buong galak naman akong maghahandogng pasasalamat kay Yahweh,dahilan sa kanyang kagandahang-loob.
7 Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway,at aking nakitang sila ay talunan!