1 O Yahweh, napakarami pong kaaway,na sa akin ay kumakalaban!
2 Ang lagi nilang pinag-uusapan,ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah)
3 Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang,binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.
4 Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong,sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y nakakatulog at nagigising,buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
6 Sa maraming kalaba'y di ako matatakot,magsipag-abang man sila sa aking palibot.
7 Yahweh na aking Diyos, iligtas mo ako!Parusahang lahat, mga kaaway ko,kapangyarihan nila'y iyong igupo.
8 Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay;pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)