1 Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod,
2 ang lunsod na ito'yhigit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.
3 Kaya't iyong dingginang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)
4 “Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama,aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.”
5 At tungkol sa Zion,sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”
6 Si Yahweh ay gagawa,ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah)
7 sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing,“Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.”