1 Ang bayang Israelsa bansang Egipto'y kanyanginilabas,nang ang lahing itosa bansang dayuhan lahat ay lumikas.
2 Magmula na noonang lupaing Juda'y naging dakong banal,at bansang Israelginawa ng Diyos na sariling bayan.
3 Ang Dagat ng Tambo,nang ito'y makita, nagbigay ng daan,magkabilang panigng Ilog ng Jordan ay tumigil naman.
4 Maging mga bundok,katulad ng tupa, ay pawang nanginig,pati mga burol,nanginig na parang tupang maliliit.
5 Ano ang nangyari,at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan?Ikaw Ilog Jordan,bakit ang tubig mo ay tumigil naman?
6 Kayong mga bundok,bakit parang kambing na nagsisilundag?Kayong mga burol,maliit na tupa'y inyo namang katulad?
7 Ikaw, O daigdig,sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig,dapat kang matakotsapagkat darating ang Diyos ni Jacob,
8 sa malaking batonagpabukal siya ng saganang tubig,at magmula roonang tubig na ito ay nagiging batis.