1 Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing,dininig niya ako sa aking dalangin.
2 Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang,Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang.
3 Sa kamay ng Diyos, kayong sinungaling,ano kayang parusa ang inyong kakamtin?
4 Tutudlain kayo ng panang matalim,at idadarang pa sa may bagang uling.
5 Ako ay kawawa; ako ay dayuhan,sa Meshec at Kedar, ako ay namuhay.
6 Matagal-tagal ding ako'y nakapisanng hindi mahilig sa kapayapaan.
7 Kung kapayapaan ang binabanggit ko,pakikipagbaka ang laman ng ulo.