1 Do'n sa mga burol, ako'y napatingin—sasaklolo sa akin, saan manggagaling?
2 Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula,sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
3 Di niya ako hahayaang mabuwal,siya'y di matutulog, ako'y babantayan.
4 Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,hindi natutulog at palaging gising!
5 Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat,laging nasa piling, upang magsanggalang.
6 Di ka maaano sa init ng araw,kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
7 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat,sa mga panganib, ika'y ililigtas.
8 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingatsaanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.