Mga Awit 62 RTPV05

Pagtitiwala sa Pag-iingat ng Diyos

Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit na si Jeduthun.

1 Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa;ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya.

2 Tanging siya lamang ang tagapagligtas,tagapagtanggol ko at aking kalasag;akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

3 Hanggang kailan ba ninyo lulupigin ang sinuman na nais ninyong patayin?Tulad ng isang pader siya'y ibagsak gaya ng bakod siya'y mawawasak.

4 Nais lamang ninyong siya ay siraan, sa inyong adhikang ibaba ang dangal;ang magsinungaling, inyong kasiyahan.Pangungusap ninyo, kunwa'y pagpapala,subalit sa puso'y inyong sinusumpa. (Selah)

5 Tanging sa Diyos lang ako umaasa;ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya.

6 Tanging siya lamang ang tagapagligtas,tagapagtanggol ko at aking kalasag;akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

7 Ang kaligtasan ko't aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang.Siya'y malakas kong tagapagsanggalang,matibay na muog na aking kanlungan.

8 Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagakang inyong pasaning ngayo'y dinaranas;siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)

9 Ang taong nilalang ay katulad lamangng ating hiningang madaling mapatid.Pagsamahin mo ma't dalhin sa timbangan,katumbas na bigat ay hininga lamang.

10 Huwag kang magtiwala sa gawang marahas,ni sa panghaharang, umasang uunlad;kahit umunlad pa ang iyong kabuhayanang lahat ng ito'y di dapat asahan.

11 Hindi na miminsang aking napakingganna taglay ng Diyos ang kapangyarihan,

12 at di magbabago kanyang pagmamahal.Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo.