Mga Awit 102 RTPV05

Panalangin ng Isang Nababagabag na Kabataan

Panalangin ng isang dumaranas ng hirap at humihingi ng tulong kay Yahweh.

1 Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin,lingapin mo ako sa aking pagdaing.

2 O huwag ka sanang magkubli sa akin,lalo sa panahong may dusa't bigatin.Kapag ako'y tumawag, ako'y iyong dingginsa sandaling iyo'y agad mong sagutin.

3 Nanghihina akong usok ang katulad,damdam ko sa init, apoy na maningas.

4 Katulad ko'y damong natuyo sa parang,pati sa pagkai'y di ako ganahan.

5 Kung ako'y tumaghoy ay ubod nang lakas,yaring katawan ko'y buto na at balat.

6 Tulad ko'y mailap na ibon sa ilang,para akong kuwago sa dakong mapanglaw;

7 ang aking katulad sa hindi pagtulog,ibon sa bubungang palaging malungkot.

8 Sa buong maghapon, ang kaaway ko, nililibak ako, kinukutyang todo;gamit sa pagsumpa'y itong pangalan ko.

9 Pagkain ko'y abo at hindi tinapay,luha'y hinahalo sa aking inuman.

10 Dahil sa galit mo, aking Panginoon,dinaklot mo ako't iyong itinapon.

11 Ang buhay kong taglay ay parang anino;katulad ko ngayo'y natuyo nang damo.

12 Ngunit ikaw, Yahweh, ay haring walang hanggan,di ka malilimot ng buong kinapal.

13 Ikaw ay mahabag, tulungan ang Zion,pagkat dumating na ang takdang panahon,sa kalagayan niya ay dapat tumulong.

14 Mahal pa rin siya ng iyong mga lingkodbagama't nawasak at gumuhong lubos.

15 Ang lahat ng bansa kay Yahweh ay takot,maging mga hari sa buong sinukob.

16 Itatayong muli ni Yahweh ang Zion,kaluwalhatian niya'y mahahayag doon.

17 Daing ng mahirap ay iyong papakinggan,di mo tatanggihan ang kanilang kahilingan.

18 Ito'y masusulat upang matunghayan,susunod na lahing di pa dumarating; ikaw nga, O Yahweh, ang siyang pupurihin.

19 Mula sa itaas, sa trono mong banal,ang lahat sa lupa'y iyong minamasdan.

20 Iyong dinirinig ang pagtataghuyan ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,upang palayain sa hirap na taglay.

21 Anupa't ang iyong ngala'y mahahayag, sa Zion, O Yahweh, ika'y itatanyag;at sa Jerusalem pupurihing ganap

22 kapag ang mga bansa ay nagsasama-samasa banal na lunsod upang magsisamba.

23 Ako'y pinanghina, sa aking kabataan;pakiramdam ko ay umikli ang buhay.

24 Itong aking hibik, O aking Diyos,huwag mo sanang kunin sa ganitong ayos!Ang buhay mo, Yahweh, walang katapusan;

25 nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.

26 Maliban sa iyo, lahat ay lilipas,at tulad ng damit, lahat ay kukupas;sila'y huhubaring parang kasuotan.

27 Ngunit mananatili ka't hindi magbabago,walang katapusan ang mga taon mo.

28 At ang mga anak ng iyong mga lingkod,mamumuhay namang panatag ang loob;magiging matatag ang kanilang angkan, sa pag-iingat mo, sila'y mananahan.