1 Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda,sa buong Israel, dakilang talaga;
2 nasa Jerusalem ang tahanan niya,sa Bundok ng Zion, doon tumitira.
3 Lahat ng sandata ng mga kaaway,mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah)
4 O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringalhigit pa sa matatag na kabundukan.
5 Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam;nahihimbing sila at nakahandusay,mga lakas nila, lahat ay pumanaw.
6 Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob,sakay at kabayo'y pawang nangalugmok.
7 Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan!Sino ang tatayo sa iyong harapankapag nagalit ka sa mga kinapal?
8 Sa iyong paghatol na mula sa langit,ang lahat sa mundo'y takot at tahimik.
9 Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis,naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)
10 Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo.Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang.
11 Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob;dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot.
12 Hambog na prinsipe ay ibinababâ,tinatakot niya hari mang dakila.