1 Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin,tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin.
2 Itong iyong lingkod, huwag mo nang subukin,batid mo nang lahat, kami ay salarin.
3 Ako ay tinugis ng aking kaaway,lubos na nilupig ng aking kalaban;sa dilim na dako, ako ay nakulong,tulad ko'y patay nang mahabang panahon.
4 Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na,sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa.
5 Araw na lumipas, aking nagunita,at naalala ang iyong ginawa,sa iyong kabutihan, ako ay namangha!
6 Ako'y dumalangin na taas ang kamay,parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)
7 Nawala nang lahat ang aking pag-asa,kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!Kung ika'y magkubli, baka ang hantunganako ay ituring na malamig na bangkay,at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.
8 Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunitayaong pag-ibig mo na lubhang dakila.Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik,patnubayan ako sa daang matuwid.
9 Iligtas mo ako sa mga kalaban,ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.
10 Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuanna aking masunod ang iyong kalooban;ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.
11 Ikaw ay nangakong ako'y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad;iligtas mo ako sa mga bagabag.
12 Dahilan sa iyong pagtingin sa akin, ang mga kaaway ko'y iyong lipulin;ang nagpapahirap sa aki'y wasakin,yamang ang lingkod mo ay iyong alipin.