1 Magdiwang ang lahat ng mga nilikha!Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
2 Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang;siya'y naghahari sa sangkatauhan.
3 Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao,sa lahat ng bansa'y namahala tayo.
4 Siya ang pumili ng ating tahanan,ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)
5 Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos,sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog.
6 Purihin ang Diyos, siya ay awitan,awitan ang hari, siya'y papurihan!
7 Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa;awita't purihin ng mga nilikha!
8 Maghahari siya sa lahat ng bansa,magmula sa tronong banal at dakila.
9 Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham,sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan.Ang mga sandata ng lahat ng kawal,lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.