4 Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,”sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan.
5 Ang masasama'y palaging nagtatagumpay;ang hatol ng Diyos ay di nila nauunawaan,palagi nilang tinutuya ang kanilang mga kaaway.
6 Sinasabi nila sa sarili, “Hindi kami mabibigo;kaguluhan sa buhay, hindi namin matatamo.”
7 Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya,dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita.
8 Sa mga nayon sila'y nag-aabang,upang paslangin ang walang kamalay-malay.
9 Para silang leon na nasa taguan,mga kawawang dukha'y inaabangan,hinuhuli ang mga ito sa kanilang bitag,at pagkatapos ay kinakaladkad.
10 Dahan-dahan silang gumagapang,upang biktimahin ang mga mahihina.