6 Sinasabi nila sa sarili, “Hindi kami mabibigo;kaguluhan sa buhay, hindi namin matatamo.”
7 Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya,dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita.
8 Sa mga nayon sila'y nag-aabang,upang paslangin ang walang kamalay-malay.
9 Para silang leon na nasa taguan,mga kawawang dukha'y inaabangan,hinuhuli ang mga ito sa kanilang bitag,at pagkatapos ay kinakaladkad.
10 Dahan-dahan silang gumagapang,upang biktimahin ang mga mahihina.
11 Ganito ang sabi ng masasama, “Ang Diyos ay walang pakialam!Mata niya'y nakapikit, di niya ako mapagmamasdan.”
12 Gumising ka, O Yahweh, at ang masasama'y parusahan,silang mga naghihirap ay huwag mong kalimutan!