5 Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin;di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.
6 Ang lahat ng taong nagtatapat sa Diyos, ako ay kaisa,sa aking palasyo ay papayagan ko na doon tumira,kung tunay na tapat ay tutulutan ko na maglingkod sila.
7 Sa aking palasyo yaong sinungaling di ko papayagan,sa aking presensya ang mapagkunwari'y di ko tutulutan.
8 Lahat ng masama, araw-araw sila'y aking wawasakin;lahat ng masama sa lunsod ni Yahweh ay palalayasin!