4 Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.
5 Sa sarili ang dulot niya'y kasiyahan habang buhay,kaya naman ang lakas ko ay lakas ng kabataan, katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan.
6 Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan;natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.
7 Mga plano niya't utos kay Moises ibinilin;ang kahanga-hangang gawa'y nasaksihan ng Israel.
8 Si Yahweh ay mahabagi't mapagmahal,hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.
9 Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
10 Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa,hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala.