5 Sa sarili ang dulot niya'y kasiyahan habang buhay,kaya naman ang lakas ko ay lakas ng kabataan, katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan.
6 Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan;natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.
7 Mga plano niya't utos kay Moises ibinilin;ang kahanga-hangang gawa'y nasaksihan ng Israel.
8 Si Yahweh ay mahabagi't mapagmahal,hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.
9 Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
10 Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa,hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala.
11 Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya,gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.