1 Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa!Ikaw Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga!Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka.
2 O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag,kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.
3 Ang ginawa mong tahanan ay ang tubig sa itaas,ang karo mong sinasakyan ay ang papawiring-ulap,sa pakpak ng mga hangin ay doon ka lumalakad.
4 Tagahatid ng balita ay hangin ding sumisimoy,at kidlat na matatalim ang lingkod mong tumutulong.
5 Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,matatag na ginawa mo't hindi ito mauuga.
6 Ang ibabaw ng saliga'y ginawa mong karagatan,at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.