13 Parang ningas-kugon, ang lahat ng ito'y kaagad nilimot,sariling balangkas ang sinunod nila, hindi ang sa Diyos.
14 Habang nasa ilang, ang sariling hilig ang siyang sinunod,sa ilang na iyo'y kinalaban nila't sinubok ang Diyos.
15 Ang hiniling nila'y hindi itinanggi, kanilang nakamit,ngunit pagkatapos, sila'y dinapuan ng malubhang sakit.
16 Sila ay nagselos kay Moises habang nasa ilang,at kay Aaron, ang banal na lingkod na si Yahweh ang humirang.
17 Sa ginawang ito, nagalit ang Diyos, bumuka ang lupa,si Datan, Abiram, pati sambahaya'y natabunang bigla.
18 Sa kalagitnaan nila'y itong Diyos, lumikha ng sunog,at ang masasamang kasamahan nila ay kanyang tinupok.
19 Sa may Bundok ng Sinai, doon ay naghugis niyong gintong guya,matapos mahugis ang ginawa nila'y kanilang sinamba.